Thursday, July 12, 2007

The Generals


hahaha. matagal ko nang nakikita yang generals na yan. bata pa lang ako. sabi kasi ng kapit bahay namin dati nung nakasabay ko siya minsan sa kalsada mahirap daw i-explain ung rules ng game kaya d nia sa'kin nasabi. tapos hanggang sa nakalimutan na lang. akalain mong after all those years.... tagal na naming lumipat ng bahay. dito pa 'ko matututo maglaro nun! salamat jim! salamat jolibee! salamat cath! salamat mommy jen! general na general ang dating ko ngaung araw na to. nagmoda nanaman ako kanina. sinasabi ko na nga ba kapag wala akong matinong tulog at nagiging seryoso ako mag-isip mabilis uminit ng ulo ko. ayokong ipagdamot ang laptop ko. pero kailangan ko. siguro nga mumurahin lang un pero most priced valuable ko un as of the moment. un lang ang tangi kong kayamanan sa buhay. kaya habang di pa ko kumikita ng sariling pera... ito muna ang haven ng buhay ko. di ko naman obligasyon na ipagamit sa lhat ng literature majors ang laptop ko. wala rin ako sa tamang posisyon para magayabang at mag-inarte dahil laptop lang yan. ang gusto ko lang i-point out... kabilin-bilinan ng tatay ko at kaya nga sobrang naudlot pa ung pagbili ko nun eh dahil nga daw baka ipahiram ko lang ng ipahiram. mahirap tumanggi sa isang kaibigan. mahirap sabihing ayokong ipagamit sa iba kasi ayoko. siguro may mga piling circumstances lang na okay lang sa akin lalo na kung involve ako sa project na un. pero kung isa-isa tayong dun gagawa ng project dun. aba eh, pwede nakong maningil ng piso-piso pra sa bawat minutong paggamit. at mas mahal pa talaga kesa sa totoong internet cafe. bilang isang kaibigan, ako man, madalas di ko naiintindihan kung bakit may mga bagay na hindi pwedeng ipagamit sa akin ang kaibigan ko. maarte kasi ako at maarte din xempre ang kaibigan ko. malas lang siguro ng mga literature majors dahil wala akong sing arte at ubod ng bilis kung uminit ng ulo ko lately. i hope they would understand me next time. ayoko nang dalhin sa skul ung laptop ko kasi ako lang naman ung nagbibitbit palagi. at ako din lang naman ang nahihirapan. plus pa jan ang mga nakikiinsert ng flash drive na may virus. deads tayong lahat.




find this also at: